Wala na raw mahihiling pa ang Shoutout mainstay na si Benjamin de Guzman dahil na rin sa dami ng blessings na dumaan sa kanyang buhay ngayong taon.
Sa panayam kay Benjamin sa bakuran ng ABS-CBN, sinabi niya na happy siya sa itinatakbo ng kanyang career. Dalawa ang regular shows niya ngayon—ang Shoutout ng ABS-CBN at My Driver Sweet Lover ng TV5.
Aniya, "Halos lahat naman kasi ng hiniling ko sa Kanya, ibinigay na Niya sa akin. Mula sa pagkakaroon ng masaya at nagmamahalang pamilya hanggang sa magandang career."
Masaya rin daw si Benjamin dahil sa mga oportunidad na ibinibigay sa kanya ng Kapamilya network.
"Happy ako ngayon sa ABS-CBN kasi hindi nila ako pinababayaan. Dito ko na-experience yung grabeng workshops talaga para mahasa kung ano mang talento meron ka.
"Para kapag nabigyan ka na ng project, magaling ka na talaga at kaya mo nang gampanan kung ano man ang ipagawa ng direktor sa 'yo.
"Bukod sa masarap ding katrabaho ang mga matagal na rin at lumaki na sa ABS-CBN kasi napakabait nila sa akin. Like Robi Domingo, Enchong Dee, Arron Villaflor, Enrique Gil...
"Thankful din ako sa kanila [ABS CBN] kasi pinayagan nila akong gawin pa rin yung My Driver Sweet Lover, kaya napapanood pa din ako sa TV5."
Ayaw na lang daw i-entertain ni Benjamin ang mga nang-iintriga sa kanya sa kanyang paglipat from TV5 to ABS-CBN.
"Naku, ayaw ko na lang po intindihin kung ano man ang sinasabi ng iba, na kesyo wala daw akong utang na loob sa TV5, na basta ko na lang iniwan at lumipat ako ng ABS-CBN.
"Tumatanaw naman ako ng utang na loob sa TV5. Lagi ko namang sinasabi na thankful ako sa kanila, kasi sa kanila ako nagsimula at naging maganda naman ang pakikitungo nila sa akin.
"At hindi ko rin naman itinatago na sa TV5 ako nagkaroon ng kauna-unahan kong award mula sa Star Awards For TV sa kategoryang Best New Male TV Personality para sa Midnight DJ guesting ko."
Bakit nga ba siya lumipat ng network?
"Actuall, desisyon po yun ng parents at manager ko. Bago ako lumipat, kinausap nila ako at ipinaliwanag nila sa akin ang lahat-lahat. Ang sabi ko, kausapin muna ang TV5 bago ako lumipat.
"Sabi ng manager ko, pinagre-report ako sa ABS-CBN kasi may bagong teen show na bubuksan. Ito nga pong Shoutout.
"Tamang-tama na nawala na yung character ko sa BFGF [teen show sa TV5]. At dahil hilig ko talaga ang kumanta at sumayaw, dahil galing ako sa boyband, kaya sabi ko, sige i-try ko.
"Tapos nung pumunta ako ng ASBS-CBN, masuwerteng nakuha ako kaya nag-start na ako mag-workshop. Hanggang sa magsimula nang mapanood ang Shoutout.
"Ang alam ko, kinausap ng manager ko yung mga boss ng TV5 kaya maayos naman ang paglipat ko. Yun nga lang, hindi ko talaga naiwasang malungkot nung nagpapaalam na ako kasi pamilya na kaming lahat.
"Tapos, nakita ko yung ibang co-artists ko na umiiyak at sinasabihan akong huwag na lumipat, kaya nalungkot din ako. Pero buo na kasi yung desisyon namin na subukan ko na magtrabaho sa ABS-CBN."
Bukod sa Shoutout, ano pa ang magiging show niya sa ABS-CBN?
"Sa ngayon kasi nasa Shoutout pa lang ako every Thursday at Friday, pero nagge-guest na rin ako sa ASAP.
"Hopefully next year, sana mabigyan ako ng primetime soap naman sa ABS-CBN para magamit ko naman yung talent ko sa acting."
Isa rin sa plano ni Benjamin sa susunod na taon ay magbalik-eskuwela at ipagpatuloy ang kanyang kursong Culinary Arts.
"Kasi ngayong 2010, sinubukan ko, hindi puwede. Kasi nga sunud-sunod ang trabaho, tapos nagkaroon pa ako ng show sa Hong Kong. Kaya hindi talaga kinaya yung schedules.
"Pero susubukan ko sa 2011 na mag-aral ulit, gusto ko kasing makatapos ng Culinary. Dream ko kasi na magkaroon ng sariling restaurant balang-araw at ako ang head cook!" natatawa niyang sabi.
"Yun kasi yung na-miss ko nung mag-artista na ako, yung pumasok sa school. Kasi nung dumami na yung projects ko, automatic nag-stop na talaga ako, kasi laging pagod at puyat.
"Malalaman ko 'yan sa 2011. Kasi kung madadagdagan ulit yung shows ko, baka hindi ko na naman makaya. Pero sana matupad ko yung pangako ko next year na makabalik sa eskuwela."
**source : http://kapamilyalogy.blogspot.com/2010/12/on-spotlight-benjamin-de-guzman-of.html
No comments:
Post a Comment